Part 5
“So, tell me….”tanong uli ni Paula. “Virgin pa ba siya before you do it last night?”
Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko sukat akalain na magtatanong siya nang ganon.
“Virgin pa siya..”sagot ko. Di ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob upang makasagot. “Until now….as I speak. Virgin pa rin siya.”
“What..?!” tanong ni Paula na kumunot ang mga kilay. “Ano uli yon..??”
“Virgin pa si Angelika…”ulit ko. “Kung virgin pa rin nga siya last night. She’s still virgin until now.”
“You’re telling me na hindi mo siya ginalaw kagabi?” malakas na tanong niya. “Walang intercourse between you two..??”
“Yes..” sagot ko. Di ko alam kung dapat akong mahiya dahil di ko nagalaw si Angelika after sleeping with her. O dapat akong maging proud kasi naging gentleman ako at di ko pinilit si Angelika.
“Ganun na nga….” Dugtong ko pa habang nakatitig si Paula sa akin. Walang masabi.
“Niloloko mo ba ako..?” tanong ni Paula na medyo galit na yata. Talagang ayaw maniwala. “Are you denying your actions and avoiding the consequences you know you must face.”
“Okay..wag kang magalit. I’m not lying.” Paliwanag ko. “Talk to your sister pag-uwi niya. Siya ang makakapag-sabi kung nagsisinungaling ako.”
Medyo nagagalit na rin ako pero kinontrol ko sarili ko. Alam kong pinoprotektahan lang ni Paula ang kapatid niya. Ramdam kong mahal na mahal niya si Angelika. Medyo conservative pala siya. Naiinis man ako ay nagustuhan ko ang ugali niya.
“I think I better go home muna. Salamat at sori sa abala.” Tumayo na ako at medyo yumuko at sumulyap sa kanya. “I’ll be staying home so you can call me just in case. Salamat sa almusal.”
(Medyo napagaya tuloy ako sa pag-English speaking ni Paula)
Hinatid niya ako hanggang sa gate pero di na siya muling nagsalita. Umuwi na ako.
Nakatulog ako makatapos maligo. Alas dos...